^

Pang Movies

IMovie ni Vic ikinonek Sen. Tito Sotto maghahain ng batas ibalik sa dati ang MMFF

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
IMovie ni Vic ikinonek Sen. Tito Sotto maghahain ng batas ibalik sa dati ang MMFF
Sen. Tito Sotto

Binigyan ng ibang kulay ng ilan ang plano ni Sen. Tito Sotto na pagrerekomenda sa Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pamamagitan ng resolution sa Congress na magkaroon na lang ang  indie film festival tuwing semestral break dahil ang Pasko ay panahon ng panonood ng mga kaba­taan. Na hindi nga nangyari sa 2016 MMFF dahil pawang independent films ang pumasok sa Magic 8. Bukod pa raw sa mas maliit ang kita nito na dapat sana’y magbibigay ng tulong sa mga ahensiyang konektado sa showbiz.

Ipinaliwanag ng senador sa iha­haing resolution na ang indie film, ayon sa Pinoy Indie 101 na isinulat ni Paciano Ca­bagnot ay tumutukoy sa mga pelikulang hindi gawa ng malalaking studio.

Ang indie films din umano ay mas kilala sa tinatawag na “art films, alternative cinema, or short films. The former refers to the reason why these films were made, for artistic self-expression.”

Ang karamihan daw sa mga manonood tuwing Pasko na mga kabataan ay naghahanap lang nga kasiyahan kasama ang kani-ka­nilang pamilya na nagsisilbing bonding nila.

Ipinagdiinan ng MMFF organizer na ang nakalipas na festival ay nagbigay ng pagkakataon sa mga manonood na mag-isip dahil wala ang mga pelikulang kababawan.

Kasama sa mga ni-reject ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ni Vic Sotto na ikinukonek sa resolution ni Tito Sen.

Anyway, malayu-layo pa ang lalakbayin ng usa­ping ito.

MMFF P373 million lang daw ang kinita

Wala namang inilabas na halaga kung magkano ang kinita ng 2016 MMFF ang executive committee pero nag-claim ang Star Cinema  na producer ng pelikulang Vince & Kath & James na kumita ang pelikula nila ng P103 million.

Sa lumabas na article sa ABS-CBN.com, sa kabuuan, kumita lang umano ang 2016 MMFF  ng P373.3 million na wala pa sa kalahati ng kita noong 2015 MMFF.

Ayon sa report nila, ang VKJ ay kumita ng (P105 M,)  Die Beautiful (P98 million), Seklus­yon (P82 million),  Ang Babae sa Septic Tank 2 (P45 million), Saving Sally (P27 million),  Sunday Beauty Queen (P7.8 million), Kabisera (P4.3 million) at  Oro (P4.2 million).

Ang nasabing resulta ay nanggaling sa Star Cine­ma at hindi galing sa MMFF Executive Committee.

vuukle comment

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with