^

Punto Mo

Mga kaalyado ni Digong anay na rin ba?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MALABO raw maibigay ang ipinangako ng gobyerno na dagdag P2,000 na pensyon sa mga retiradong miyembro dahil malamang daw na ma-bankcrupt ang SSS.  Dagdag kontribusyon daw ng mga miyembro ang solusyon para masunod ang gusto nilang mangyari.  Ganito rin ang sinabi ng economic managers ni P-Noy kaya nagalit ang SSS members at pentioners noon. Wala palang ipinag-iba ang noon at ngayon. Ano ba ang ginagawa ng mga economic manager ni Mayor Digong? Marunong ba talaga? Kung hindi naman, maawa kayo sa nagpapasuweldo sa inyo. Mag-resign na kayo!

Buburahin din daw nila ang corruption sa bansa, pero wala pang anim na buwan, nasangkot na ang Bureau of Immigration and Deportation officials sa lagayan sa illegal operation ng Fontana Leisure and Casino sa Pampanga at Laoag City. Ito rin ang dahilan kung bakit nag-utos si Mayor Digong na isara lahat ng online gambling, pero makalipas ang ilang araw mismong ang PAGCOR officials ang nagsabing ‘yung wala lamang permiso ang ipasasara. E di malamang na wala ring ipagbabago? Mam Andrea Domingo, makiramdam ka po sa paligid mo o baka gusto mong magpatulong sa BID?

Kahit anong pagtatakip pa ang gawin ni Budget Sec. Benjamin Diokno, sa usapin ng DAP at PDAF na maaring pagmulan ng corruption, hindi maiiwasan na pagdudahan sila ng mamamayan dahil, ayon sa Supreme Court, Illegal na ang pork barrel!

Mismong si Sen. Ping Lacson ang nakadiskubre na may nai-singit na bilyong halaga ng pork barrel sa 2017 national budget. Maliwanag na wala pa ring ipinagbabago sa kalakaran sa Kongreso at Senado kung pagkakaperahan ang pag-uusapan. Sa ganito ba naipapakita ang liderato nina Speaker Pantaleon Alvarez at Senate Pres. Aquilino Pimentel Jr? Akala kasi namin may pagbabago na talagang mangyayari sa bansa wala pa rin pala!

Sabi nila, sosulusyunan daw ang traffic congestion sa Metro Manila, pero hanggang ngayon, usapin pa rin ang malalang traffic dahil dumami naman ang mga colorum na UBER at GRAB taxi na hindi masawata ng LTFRB. Hindi pa rin maalis ang mga terminal ng provincial buses sa EDSA, samantalang dapat ay sa bukana lamang ng magkabilang dulo ng EDSA sila may terminal. Baka naman hindi alam nina LTFRB Chair Martin Delgra at DOTr Sec. Arthur Tugade na uso rin ang ninong sa mga “tanggapan” nila. Hindi kaya sila nabubukulan ng mga tauhan nila?

BAKAS sa UNTv Radio 1350 KHz AM band Sabado 5:00-7:00 p.m. www.untvradio.com/ph

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with