^

Pang Movies

Ivan ginagamitan ng kakaibang tactic si Barbie

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mukhang alam na namin ang tactic na ginagawa ni Ivan Dorschner para makuha niya ang matamis na oo ni Barbie Forteza—inaasar niya ito.

Sa recent Instagram post kasi ng Meant To Be star, nag-post siya ng natutulog na picture ni Barbie na isang bagay na ayaw pinakikita ng mga babae.

Sigurado kaming isang nakakakilig na lambing ang gagawin dito ni Ivan.

Sa kanyang post, sinabi niya na: “Me and @addygaur prepping our next scene while @barbaraforteza is getting some sleep like a professional #meanttobe #bts”

Makuha kaya ni Ivan si Barbie? Abangan ang kanilang kwento sa Meant To Be. Sa Lunes na ito kapalit ng Someone To Watch Over Me.

Lovi biniyayaan ng career 02 eat lovelife last year

Naging maganda ang 2016 kay Lovi Poe. Bukod sa pelikula at TV ay masaya rin ang lovelife niya sa kasalukuyan. Wish niya na maging fruitful o maganda ang 2017 na ngayon pa lang ay pinag-uusapan na ang kasunod niyang teleserye.

Kahit mahirap ang dinanas niya sa matatapos na Someone To Watch Over Me ay nalulungkot siya dahil mami-miss niya ang mga kasamahan sa nasa­bing teleserye. Walang ginawa si Lovi kundi umiyak sa bawat eksena niya pero minamani lang niya ito. Ito na raw yata ang pinaka-draining sa mga role na ginampanan niya.

Matatapos na ang Someone To Watch Over Me ngayong Biyernes na.

Kusina ni Jacky Woo may branch na agad

Dahil sa magandang kinalabasan ng Kusina Lokal ni Jacky Woo sa Centris Walk sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue ay nagkaroon agad ito ng branch sa Davao City.

Kamakailan lamang ay binuksan ang Kusina Lokal sa Davao na nasa Bldg A Door 1 & 2 Focal Point Ecowest Drive, sa Ecoland Davao City. May kaibigan si Jacky sa Davao na nag-kumbinsi sa kanya na magbukas ng branch doon.

Sa kasalukuyan ay maganda ang naging pagtanggap ng Davaoeno sa Kusina Lokal na dinumog agad ang nasabing restaurant na parehong pareho ang menu ng QC branch. Congratulations Jacky.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with