^

Pang Movies

Naunahan pa si Pauleen, Pia buntis na ulit!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Naunahan pa si Pauleen, Pia buntis na ulit!
Pauleen Luna-Sotto

Binisto ni Joey de Leon si Pia Guanio sa Eat Bulaga kahapon sa segment na Pinoy Henyo.  Ang pangalan ng isang grupong sumali ay Tropang Trendy.

“Di ba, Pia, kasama ka rin sa Tropang Buntis?” pambubuking ni Joey na nagitlang si Pia.

“Secret pa! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Pia.

Nang tingnan namin ang tiyan ni Pia, medyo may kalakihan nga, huh! Never naman kasi siyang tumaba, di ba?

Kung kumpirmado, naunahan pa ni Pia si Pauleen Luna-Sotto na maging buntis sa bagong baby nila ng asawang si Steve, huh! This month ang first wedding anniversary nina Vic Sotto at Poleng so marami na rin ang naiinip na magkaroon sila ng first born, huh!

Angel hindi pa halatang nakakalbo, tuloy lang sa pamumundok

Climb every mountain pa rin ang drama ni Angel Locsin sa latest post niya sa kanyang Instagram account.

Caption ni Gel sa IG pic niya, “Earlier today 4th mountain in 3 weeks. #Mt.Pamitinan #hiking #traverse #nature # Philippines.”

May cap sa buhok ni Angel at malayo ang shot kaya hindi kita ang natsitsismis niyang buhok.

Eh kung si Allan K na nagpagawa na ng wig para takpan ang nakakalbong bahagi ng ulo, puwede rin namang gawin ‘yon ng aktres kung totoo nga ang tsismis.  ‘Yung asawa ngang party list representative ni Sec. Mark Villar, nagsuot ng wig nu’ng nagkasakit siya, hindi dapat gawan ng isyu kung mag-wig o hair extension si Angel, huh!

Tutal naman, kung sakaling siya pa rin ang gaganap na Darna, may cap naman sa buhok ang Pinoy heroine, huh!

Liza may panawagan sa indie producers

Mabenta pa rin ang Film Development Council Chairwoman na si Liza Diño kaugnay ng bagong controversy sa 2016 Metro Manila Film Festival. Kahapon ay kausap siya nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa DZBB.

Kuntento man si Diño sa reception ng tao sa walong entries, ipinanawagan niya sa mga indie producers na pagbutihin ang aspeto ng marketing, publicity at promotions sa susunod na festival.

“Hindi natin masyadong na-tap ito nu’ng festival. Marami pang hindi nakakaalam tungkol sa mga pelikula. Maraming nanood dahil sa word of mouth dahil nalaman nilang maganda. Ito ‘yung kailangan nating bigyan ng atensyon on how to find that balance between films that have good merit but at the same time universally appealing at makakarating talaga out there and tell ‘yung pinakamalayong audience na bakit worth ‘yung P250.00 ‘yung pelikulang panonoorin,” pahayag ni Liza.

Napag-usapan din ang eksenang pagpatay ng aso sa Oro. Hindi niya naitagong umiyak siya dahil sa eksena bilang isa siyang animal lover.

“They assured us na goat prosthetics ang ginamit. Pero pinapanood natin siya dahil sa depiction na nakikita natin. Hindi na natin tini­tingnan kung ano ang tunay o hindi na tunay na nangyayari sa movie. I think that’s the reason why the Selection Committee na hindi nila nakita ‘yon na makatotohanan na totoong aso behind the killing,” saad pa ng Chairwoman.

Gayunpaman, ayon kay Diño, walang jurisdiction ang MMFF tungkol dito at administrative lang ang sanctions na kaya nilang ipataw. Kaya ang korte ang puwedeng magbigay ng desisyon sa ginawa ng Team Oro.

Dalawang sanctions ang pinataw ng MMFF Execom sa Oro. Na-pull out na ito sa mga sinehan at binawi na ang FPJ Memorial Award na binigay.

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with