^

Police Metro

Ginang dedo sa nahulog na pera

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naging mitsa ng kamatayan ng isang ginang ang paghabol nito sa kanyang pera na nahulog habang sakay ng tricycle naganap sa kahabaan ng Molave Drive, Brgy. Guinhawa South, Tagaytay City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital ay kinilalang si Jennalyn Rosauro, 31 may-asawa, ng Brgy. Guinhawa North, Tagaytay City.

Batay sa ulat,bago nangyari ang aksidente dakong alas-8:45 ng umaga ay sakay ang biktima kasama ang tatlong anak  ng tricycle na minamaneho ni  Wilfredo Torres, ng Purok 211 Brgy., Zambal, Tagaytay City.

Habang mabilis na bumabagtas ang tricycle ay aksidenteng nahulog ang pera ng biktima na hindi batid kung magkano.

Tinangka nitong kunin ang pera, subalit nahulog ito at nakaladkad ng tricycle na hindi namalayan ng driver kung hindi pa sinabi ng tatlong anak ng biktima.

Itinakbo ng driver ang biktima sa ospital, subalit idineklara itong dead-on- arrival.

Hindi na sinampahan ng kaso ang driver na nangakong sasagutin ang gastos sa pagpapalibing.

vuukle comment

GINANG DEDO SA NAHULOG NA PERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with