^

PSN Opinyon

Huwag nang batikusin si Leni

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NALULUNGKOT ako dahil ang ilan nating kaba­bayan ay binabatikos sa social media si Vice Pre­sident Leni Robredo dahil nagpunta ito sa US habang binabayo ng Bagyong Nina ang kanyang pro­binsiya sa Bicol. Sana tigilan na ng ating mga kaba­­­bayan ang pagpuna kay Leni dahil hindi pa dumarating ang bagyo, nakaplano na ang kanyang pagbabakasyon sa US kasama ang kanyang tatlong anak na babae.

Ang tanong ko sa inyo, sino ba naman ang mag-aakala na sa Bicol pala ang daan ng Bagyong Nina? Napuruhan ang Camarines Sur na kanyang probinsiya at Naga kung saan nanungkulang mayor ang kanyang yumaong asawang Jessie Robredo.  Sina Jessie at Leni ay hinahangan ko pagdating sa panunungkulan. Mataas ang kanilang pinag-aralan. Si Leni ay nagtapos ng abogasya at si Jessie naman ay may master degree sa US.

Mabuti na lang naipanalo ni Leni ang pagka-Vice President kahit na maliit ang lamang niya kay Bongbong Marcos. Kahit na inapela ni Marcos sa Korte Suprema, sa tingin ko malabo na ang kaso.  Iprinoklama na si Leni ng Kongreso at tinapos na rin agad ng Comelec ang bilangan.

Huwag na nating gambalain ang Vice President sa pagtupad ng kanyang tungkulin. Hindi naman siya nagkulang sa pagbibigay ng tulong sa kanyang mga kababayang sinalanta ng Bagyong Nina, dahil kahit na siya ay nasa US nag-utos naman siya sa kanyang mga tauhan ng maghatid ng ayuda sa Bicol. At agad naman siyang umuwi ng probinsiya nang siya ay dumating galing US para tingnan ang mga nasira sa kanyang bayan sa Bicol.

Kumbaga sa boxing tapos na ang laban!

vuukle comment

VICE PRE­SIDENT LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with