^

Metro

Shootout: 2 ‘Akyat bahay’ utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
Shootout: 2 �Akyat bahay� utas
Ang dalawang miyembro ng ‘akyat bahay’ na bumulagta makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga rumespondeng awtoridad matapos na looban ng mga una ang isang water refilling station sa Quezon City.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Dalawang miyembro ng ‘‘Akyat Bahay’’ gang ang nasawi makaraang makipag-palitan ng putok ng baril sa mga rumispondeng tropa ng Quezon City Police District-Special Operation Unit (QCPD-SOU) habang pinagnanakawan  ng mga una ang isang water refilling station at car wash sa North Fairview sa lungsod, kahapon ng madaling araw.

Pawang   walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa mga suspek na isinalarawan ang isa sa pagitan ng edad na 25-30, katamtaman ang panga-ngatawan, at nakasuot ng kulay pulang t-shirt, at itim na short pants. Habang nasa pagitan naman ng edad na 30-35 ang isang suspek na may taas na 5’7, at nakasuot ng kulay itim na t-shirt at puting short pants.

Base sa imbestigasyon ni PO3 George Caculba, pinasok ng mga suspek ang establisimento na pag-aari ni Nicanor Mucal, 43, ng Brgy. Greater Lagrao, QC.

Agad namang nakaresponde ang tropa ng DSOU sa pamumuno ni SPO2 Carlito Mangaoang base sa sumbong ni Mucal..

Pagsapit ng mga operatiba ng DSOU sa lugar ay naispatan nila ang mga suspek na bitbit ang mga ninakaw, saka inatasang sumuko. Pero sa halip na sumunod ay nagbunot ng kanilang mga baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga operatiba. Gumanti naman ng putok ang mga operatiba na ugat upang sila ay masawi.

 Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene, narekober mula sa mga suspek ang isang kalibre .38, isang kalibre .45; pitong basyo ng bala ng kalibre .9mm; dalawang basyo ng bala ng kalibre .40; tatlong bashyo ng bala ng kalibre .45; tatlong piraso ng tingga;  apat na plastic sachet ng shabu, isang pi-raso ng plastic sachet ng marijuana.

vuukle comment

AKYAT BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with