^

Bansa

Diokno dumepensa sa SSS pension hike

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit kahapon ni Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi dapat paabutin sa lamesa ni Pangulong Duterte ang isyu sa pension hike ng mga pensioners ng Social Security System(SSS).

Sinabi ni Sec. Diokno, magkaiba ang kandidatong si Rodrigo Duterte noong eleksyon sa nakaupong Pangulong Duterte na nangako ng pension hike sa SSS retirees.

Ayon kay Diokno, kakaiba na ang sitwasyon ngayon dahil nakaupong Pangulo na ito at may mga pangako noong eleksyon na hindi puwedeng magawa kapag ito ay nasa gobyerno na.

Wika pa ng DBM chief, hindi naman makatwiran na gamitin ang tax payers money para lamang pondohan ang dagdag pension ng mga SSS pensionaires.

Idinagdag pa ni Diokno, hindi kailangang i-veto ng Pangulo ang resolusyon bagkus ay dapat ibalik lamang niya sa SSS board upang sila ang magdesisyon at lumutas sa usaping ito.

May pangamba ang mga economic managers ng Pangulo na masaid ang pondo ng SSS kung ibibigay ang P2,000 na pension increase.

vuukle comment

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with