^

Pang Movies

Maxine mina-master ang paglalakad sa Miss U SO...

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ipinakita na ni Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina ang kanyang signature walk na gagamitin niya sa 65th Miss Universe na gaganapin dito sa a­ting bansa.

Kung “Pilapil Walk” ang kay Venus Raj, “Tsunami Walk” ang kay Shamcey Supsup, “Cobra Walk” ang kay Janine Tugonon, “Ariba Walk” ang kay Ariella Arida at “Tanim-Bala Walk” ang kay Pia Wurtzbach, ang tawag naman sa signature walk ni Maxine ay “Killer Walk”.

Pinost sa social media ng kanyang mentor na si Jonas Gaffud ang signature walk ni Maxine na ilang beses nilang prinaktis noong nakaraang holidays.

Makikita sa na-post na video na malaki na ang improvement sa confidence ni Maxine.

Nabanggit na rin ni Maxine sa kanyang mga nakaraang interviews na sinikap niyang ma-build ang kanyang confidence dahil unang pagkakataon niyang manalo bilang beauty queen.

Dagdag pressure pa raw na dito sa Pilipinas gagawin ang Miss Universe at umaasa ng back-to-back ang mga Pinoy.

Nangako si Maxine na gagawin daw niya ang lahat para maging proud sa kanya ang mga Pinoy at masuwertehan niyang masungkit ulit ang Miss Universe crown para sa ating bansa.

Jason ayaw pang asawahin ang girlfriend

Nangako ang Kapamilya actor na si Jason Abalos na mas magiging busy siya sa kanyang showbiz career ngayong 2017.

Bukod sa dalawang pelikula ang natapos niyang gawin (K-9 and Riding in Tandem), may bago pa siyang teleserye na Langit Lupa.

“Babawi po tayo ngayong 2017.

“Last year, medyo konti lang ang nagawa natin kasi mas inasikaso ko ang bagong business namin.

“Binenta na kasi namin ‘yung restaurant business at ang bagong business na inaasikaso ko ay ang salon.

“Inaral ko naman ang tungkol sa salon business at may mga taong nag-guide sa akin.

“Mahilig talaga tayong mga Pinoy na magpaganda. Kahit na mga lalaki ngayon nagiging banidoso na. Kaya tama lang na mag-salon business ako.

“Kaya okey naman lahat and hopefully mas maganda pa ang mangyari ngayong 2017,” ngiti pa ni Jason.

Marami kasi ang nag-akala na masyadong naging busy si Jason sa kanyang lovelife.

Four years na sila ng former Pinoy Big Brother housemate na si Vicky Rushton na balita ay pakakasalan na niya.

“Hindi pa po kami engaged. Bata pa kasi si Vicky. She’s only 24.

“Hindi ko naman siya minamadali. Kung kelan siya ready na, doon na tayo magplano na mag-propose,” diin pa niya.

Dahil daw sa kanyang lovelife kaya naging mailap ang trabaho kay Jason?

“Hindi naman ako masyadong lulong sa lovelife.

“More on sa pag-asikaso tayo ng business talaga. Para na rin sa kinabukasan ko at ng magiging pamilya ko.

“Hindi naman po tayo napapabayaan ng ABS-CBN. Lagi-lagi naman silang may project para sa akin.

“Nataon lang na tumutok tayo sa mga negosyo,” pagtatapos pa ni Jason.

Boobay alagang-alaga ng dyowa

On his way to recovery na si Norman Balbuena o mas kilala bilang si Boobay.

Kung matatandaan ay na-stroke si Boobay noong nakaraang buwan at marami ang nabahala noong maospital ito.

Marami ang naka-miss kay Boobay dahil nasanay na ang marami sa kanyang pagpapatawa sa mga TV shows.

Ngayon ay paunti-unti na itong nagpapagaling at nakapag-post na ito sa kanyang Instagram noong nakaraang December 24 at 25.

“Merry Christmas daw po sabi ng aking baby Kendra na hindi naghanda sa outfit.. hihi #thankyouLord” post pa niya.

Inaalagaan siya ng mabuti ng kanyang longtime partner na si Kent Juan Resquir at ito ang nagbibigay ng update sa kalagayan ni Boobay.

Nakapanood na nga raw si Boobay ng Die Beautiful ni Paolo Ballesteros at isa ito sa nagsa­bing pang-best actor nga ang pagganap doon ng Eat Bulaga host.

Noong nakaraang December 30 naman ay nag-post si Boobay ng kanyang bakasyon kasama si Kent sa Bangui Windmills sa Ilocos Norte.

Marami ang nagdarasal sa mabilis na paggaling ni Boobay.

vuukle comment

BB. PILIPINAS-UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with