^

Police Metro

Riding-in-tandem na lasing dedo sa semplang

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos na sumemplang nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Edwin Cabanesas at Anthony Alcober, kapwa nasa hustong gulang at residente ng No. 97-F. Yanga Street, Brgy. Maysilo, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon City Police Traffic, bago naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa kanto ng M.H. Del Pilar at Villarbo Streets sa Brgy. Tinajeros ay nakikipagkarerahan umano ang mga biktima sa isa pang motorsiklo hanggang sa mawalan ng kontrol at sumemplang sa gutter ng kalsada.

Nasawi ang dalawang biktima dahil sa matitin­ding pinsala sa ulo at katawan dulot ng hindi pagsusuot ng crash helmet.

Lumalabas na galing umano ang dalawa sa isang inuman sa isang fiesta sa Brgy. Dampalit nang magdesisyong umuwi.

vuukle comment

EDWIN CABANESAS AT ANTHONY ALCOBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with