^

Bansa

Budget ng OP ‘di ko nanakawin - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa gitna ng mga kuwestiyon kung bakit tumaas ng nasa P17 bilyon ang budget ng Office of the President (OP) para sa 2017, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya nanakawin ang pera at wala siyang history ng pagnanakaw. 

Mula sa dating P2.87 bilyong pondo ng Office of the President noong 2016 sa panahon ni dating pangulong Benigno Aquino III, naging mahigit sa P20 bilyon ang budget ng nasabing tanggapan ngayong 2017.

“Now, baka nakawin ni Duterte ‘yang pera? Wala akong history niyan. And you can…Anybody I invite, and I said I have this Executive Order, you are all invited to examine the documents,” anang Pangulo tungkol sa napakalaking pondo ng Office of the President. 

Ipinahiwatig ng Pangulo na gagamitin ang nasabing pondo sa kampanya niya laban sa iligal na droga.

Ayon sa Pangulo, ang problema noon sa iligal na droga ay maliit lang pero ngayon ay malaki na ito.

“Ang drug problem noon maliit lang, ito ngayon, how do you solve this one? How do you think I get a foundation? How do I fund the operation? May masabi mo budget ng pulis? Hindi magkasya ‘yon. How many criminals are there in one day? Or how many crimes are committed in one day and you say, ‘you are only good up to this amount,” anang Pangulo sa isang panayam sa telebisyon.

Matatandaan na palaging ipinupunto ng Pangulo ang maliit na budget na natira ng nakaraang administrasyon kung saan minana lamang niya ang pondo para sa kalahatian ng 2016 kung kailan siya naluklok na Presidente.

 

vuukle comment

OFFICE OF THE PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with