Bike vs pick-up: Rider dedo
CAVITE, Philippines – Patay ang 46-anyos na motorcycle rider matapos itong sumalpok sa kasalubong na pick-up sa kahabaan ng Buhay na Tubig Road sa Imus City, Cavite, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Ronald Purificacion Tabing ng Phase 7 sa Brgy. Bagong Silang (Bahayang Pag-Asa) sa nasabing lungsod. Nakilala naman ang driver ng pick-up na si Bernardo Angeles Rodenas ng Block 5 Lot 14-15 Great Woods Subd. sa Bacoor City, Cavite. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, sinasabing nawalan ng kontrol sa manibela ng motorsiklo si Purificacion kaya sumalpok sa kasalubong na sasakyan na may plakang LNF-322.
- Latest