^

Police Metro

Bato at iba pang opisyales tumakbo sa ‘Goodbye De Lima’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatakbo si Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa at iba pang mga opisyal ng pulisya matapos na biglang umusok ang  “Goodbye De Lima”, isang uri ng bawal na paputok na iniinspeksyon ng mga ito sa Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, pina­ngunahan ni Dela Rosa ang pagi-inspeksyon at pagkumpiska sa mga bawal na paputok na nakatinda sa Bocaue, ang firecracking capital ng bansa at habang ipinakikita sa media ang sari-saring uring mga bawal na paputok  ay biglang umusok ang nasabing paputok na “Goodbye De Lima”.

Sa matinding pagkagulat ay naipasa pa ni Dela Rosa ang bawal na paputok kay Bulacan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr.,  bago ito naihagis ng nasabing opisyal.

 Nagmistulang co­medy ang eksena matapos na magtakbuhan sina Dela Rosa at iba pang mga opisyal mula sa umuusok na paputok na agad namang binasa ng tubig  ng mga opisyal ng barangay upang mapigilang sumabog.

Muling pinaalala­hanan ni Dela Rosa ang publiko sa masamang e­pekto ng bawal na pa­putok kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Bukod sa  Goodbye de Lima   kabilang pa sa mga ipinagbabawal na paputok na kinumpiska ng pulisya ay ang  super lolo, kabase, Goodbye Philippines, plapla, atomic bomb at OG thunder.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with