^

Pang Movies

Ryza naduling sa sampal ni Sunshine! No BF since birth, Ryza walang alam sa paglalandi

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ryza naduling sa sampal ni Sunshine! No BF since birth, Ryza walang alam sa paglalandi
Ryza Cenon

Claim ni Ryza Cenon sa grand presscon ng Ika-6 na Utos, ang bagong afternoon prime drama series ng GMA-7 na wala pa siyang na­ging boyfriend. 

Kaya natanong si Ryza, na as Georgia, kung paano ba niya inakit si Rome (Gabby Concepcion) at naging mistress at naagaw sa asawa nitong si Emma (Sunshine Dizon)?

“Hindi po ako marunong mang-akit ng lalaki,” natatawang sagot ni Ryza. “Sinunod ko lamang ang character sketch ko at ang script, with the help of our director, Ms. Laurice Guillen para magampanan ko ang role ko. Gusto ko namang ipakita na kaya ko ring gampanan ang story ng isang kept woman.  Isa kasi akong ambisyosang interior designer dito. Ipakikita naman namin dito iyong side ng kabit kung bakit niya ginagawa iyon. Hindi namin sinasabi na tama ‘yung pagiging kabit, kumbaga mayroon din siyang emosyon, tao lamang siya na nagmamahal lang.”

And for her role, alam na ni Ryza na magkakaroon sila ng confrontation scene ni Sunshine kaya pinaghandaan na niya ito, iyong physical tulad ng sampal. Pero hindi raw niya in-expect nang dumating ang eksenang iyon na ganoon kalakas ang sampal na aabutin niya kay Sunshine. Talagang umikot ang kanyang paningin at pakiramdam niya ay naduling siya. Kaya nang mag-sorry daw sa kanya si Sunshine after that scene, sinabi pa niyang may daya ang sampal niyang tumama sa face ni Ryza. Pero ang sarap daw makasama ang mga mahuhusay na artistang tulad nina Sunshine at Gabby, kahit si Direk Laurice na ngayon lamang niya naging director. Mapapanood na simula sa Monday ang Ika-6 na Utos pagkatapos ng Eat Bulaga.

Vic at Vice bumisita sa mga sinehan

Para nga ring naging fiesta noong November 30 ang opening sa malalaking malls ng dalawang pelikulang pambata na Enteng Kabisote 10 And The Abangers at The Super Parental Guar­dians. Sabi nga, napaaga ang Pasko dahil holiday iyon at walang pasok ang mga bata at kahit ang mga magulang nila ay wala ring pasok kaya hindi sila nakatanggi na manood ng dala­wang pelikula. At lalong natuwa ang mga nanood nang parehong nag­pasalamat sina Bossing Vic Sotto at Vice Ganda sa bi­ni­sita nilang sinehan. May reminder nga pala ang mga taga-Enteng na panoorin hanggang sa credits ang movie dahil maraming behind the scenes na ikatutuwa at ikakikilig nila, tulad ng AlDub Nation nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Inah pipili na kina Jake at Jeric

Finale episode na mamayang hapon, pagkatapos ng Eat Bulaga, ang drama series ni Inah de Belen na Oh, My Mama! kasama sina Jake Vargas at Jeric Gonzales, with Epi Quizon and Gladys Reyes. Labis ang pasasalamat ni Inah sa opportunity na ibinigay sa kanya ng GMA-7 na gampanan ang role na ibinigay sa kanya. Dito raw niya na-realize na acting talaga ang gusto niya at nangako siyang mas pagbubutihin pa ang susunod na role na ibibigay sa kanya. Habang tumatagal daw, ang akala niyang mahirap na role, madali lamang pala kung pagtutuunan mo ng pansin.

Nagpasalamat din si Inah sa lahat ng kasama niya sa serye, sa suportang ibi­nigay sa kanya. Pero ang tanong na dapat alamin ang sagot mamaya, sino kina Julio (Jake) at Zach (Jeric) na parehong nagmahal sa kanya nang labis, ang magtatagumpay sa puso ni Maricel? Ang Oh, My Mama! ay sa direksyon ni Neal del Rosario.

vuukle comment

RYZA CENON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with