^

PSN Showbiz

Sarah at Matteo gusto pa ring lagyan ng misteryo ang relasyon

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Sarah at Matteo gusto pa ring lagyan ng misteryo ang relasyon
Sarah at Matteo

Kung tutuusin, Pop Princess Sarah Geronimo and her boyfriend Matteo Guidicelli can make a great loveteam on screen pero ayaw nilang i-capitalize at i-commercialize ang kanyang relasyon.

Although open na ang relasyon ng dalawa sa publiko, ipinangako nila sa kanilang sarili na never silang magsasama sa isang proyekto para makapag-iwan pa rin ng kaunting “mystery” sa kanilang relasyon na gusto nilang protektahan at pangalagaan.

Sa kanilang mahigit tatlong taong relasyon, gusto ng magkasintahan na mag-last ang kanilang relasyon at ito’y mauwi sa kanilang tuluyang pagpapakasal balang araw.

“Iyan naman talaga ang pangarap ng bawat couple,” pahayag ng Pop Princess.

Parehong careful at protective sina Sarah at Matteo sa kanilang relasyon kaya naman hanggang ngayon ay sila pa rin.

Kailan kaya magpapakasal ang dalawa? Iyan ang madalas itanong ng kanilang mga tagasubaybay.

“It will come,” nakangiting tugon ng triathlete-singer-actor na si Matteo.

Vhong masayang hindi nakasali sa MMFF

Hindi na nakipagsabayan ang bagong film outfit na Cineko Productions sa pre-Christmas playdate at mi­nabuti nilang ilagay sa Ja­nuary 8, 2017 ang playdate ng Mang Kepweng Returns bilang pambungad na pelikula ng 2017. Ito ay pinagbibidahan ni Vhong Navarro mula sa direksiyon ni GB Sampedro.

Ang Mang Kepweng Returns na inspired ng pelikulang unang pinagbidahan at pinasikat ng yumaong komedyanteng si Chiquito was intended for the 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) pero hindi ito nakalusot along with other big-budgeted films nina Vic Sotto, Vice Ganda, Coco Martin, at Richard Yap.

Ganunpaman, naniniwala ang mga young producer behind Cineko Productions na baka blessing in disguise ito para sa mo­vie ni Vhong dahil mas may time pa silang i-promote at i-market bukod pa sa hindi sila makikipag-agawan sa walong pelikula na maglalaban-laban sa paramihan ng kita.

Tulad nina Vic at Vice Ganda, gusto lang din ni Vhong na magbigay at maghatid ng kasiyahan sa mga manonood laluna sa mga bata na siyang target market ng kanyang pelikula.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with