^

Police Metro

Maute group vs militar: 49 na patay, 21 sugatan!

Joy Cantos - Pang-masa
Maute group vs militar: 49 na patay, 21 sugatan!
Ayon kay Col. Ed Arevalo, hepe ng AFP Public Affairs Office, napapaligiran na ng tropa ng 103rd Infantry Brigade (IB) sa Maute terrorist na kumubkob sa lumang munisipyo ng Butig at ilan pang mga abandonadong gusali sa nasabing bayan. Ang tanging nakakasagabal lamang sa operasyon ng tropa ng pamahalaan ay ang mga banta ng Improvised Explosive Device (IED’s ) na itinanim ng Maute terrorist sa lugar kaya todo ingat ang mga sundalo.
Google Maps

MANILA, Philippines – Umabot na sa 40 miyembro ng kilabot na Maute terrorist group ang napapatay habang 21sundalo ang sugatan sa pagpapatuloy ng kanilang bakbakan sa Butig, Lanao del Sur kahapon.

Ayon kay Col. Ed Arevalo, hepe ng AFP Public Affairs Office, napapaligiran na ng tropa ng 103rd Infantry Brigade (IB) sa Maute terrorist na kumubkob sa lumang munisipyo ng Butig at ilan pang mga abandonadong gusali sa nasabing bayan. Ang tanging nakakasagabal lamang sa operasyon  ng tropa ng pamahalaan ay ang mga banta ng Improvised Explosive Device (IED’s ) na itinanim ng Maute terrorist sa lugar kaya todo ingat ang mga sundalo.

Gayundin ang mga nagkalat na sniper ng grupo na nasa loob ng mga abandonadong gusali sa bayan ng Butig na inokupa ng mga ito simula pa noong Biyernes  Ang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig ay naitala umpisa noong Biyernes at tumindi  nitong Sabado ( Nobyembre 26) ng nakalipas na linggo.

Inihayag ni Arevalo na karamihan sa mga sugatang sundalo ay hindi namang gaanong grabe ang tinamong mga pinsala sa katawan sa nasabing bakbakan.

?Nagsisilbi umanong backup ng ground troops ng militar ang mga armor, artillery at air units sa misyong tuldukan na ang paghahasik ng tero­rismo ng naturang grupo.

Ang Maute terror group ang nasa likod ng Davao City bombing noong nakalipas na Set­yembre 2 na ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat ng 70 iba pa.

vuukle comment

LANAO DEL SUR

MAUTE TERRORIST GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with