^

PSN Showbiz

Gay comedian na adik sa raket, na-stroke!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gay comedian na adik sa raket, na-stroke!
Boobay

Naka-confine sa ICU ng isang ospital ang gay comedian na si Boobay dahil sa stroke.

Ang sabi ng mga kaibigan ni Boobay, masyadong masipag ang komedyante kaya naglalagare ito sa mga trabaho kesehodang hindi na siya natutulog.

Natatandaan ko na dilat na dilat ang mga mata ni Boobay sa tuwing umaapir siya sa aming show na CelebriTV dahil nanggaling pa siya sa ibang raket.

Halos hindi na natutulog si Boobay, lalo na noong panahon ng kampanya.

Kahit may mga regular television show siya, tumatanggap pa rin si Boobay ng mga raket sa mga comedy bar at mula rito, dumidiretso siya sa taping.

Napakahalaga ng pahinga at tulog sa katawan natin. Kapag  nakakaramdam tayo ng kakaiba, nangangahulugan ito na may sinasabi sa atin ang mga katawan natin na dapat pakinggan.

Walang nag-akala na magkakaroon ng stroke si Boobay dahil hindi  ito mataba pero stressed out na stressed out naman siya dahil sa kawalan ng pahinga at tulog.

Inihian sa shooting Baron binabaliktad ang kuwento ni Ping

Maingay na naman ang name ni Baron Geisler dahil tinotoo niya ang pag-ihi kay Ping Medina sa shooting ng indie movie na ginagawa nila.

Hindi natin masisisi si Ping sa pagwawala nito dahil hindi makatao ang ginawa sa kanya ni Baron. Kabastusan na murahin at duraan ang isang tao kaya foul talaga ang pag-ihi sa kanya ni Baron.

Ang latest, si Baron pa ang may gana na mag-emote laban kay Ping at sa direktor na si Arlyn dela Cruz dahil alam daw ng dalawa ang gagawin niya.

Walang matino na tao na papayag na ihian siya ng kapwa kaya marami ang naloloka sa pralala ni Baron na kinukuwestyon ang kawalan ng kontrata.

Narito ang bahagi ng emote ni Baron: “Wala tayong kontrata pero ang pinagagawa n’yo sa akin, manakit o manampal at sinampal din po ako. Saka ang akala ko, ‘yun po ang game plan ninyo. 

“Pagkatapos ng eksena, nilapitan ko agad si Ping at sinabi ko, I’m so sorry so ano po ‘yung ginagawa n’yo sa akin ngayon?  Ipinapakita ninyo na masama akong tao, ipinapakita n’yo hindi ako tunay o may isang salita?

“Actually, meron akong isang salita, kayo walang isang salita. Unang-una, kapag gumawa ng pelikula, may legalities ‘yan. Dapat may sina-sign po tayo na agreement, form o kung anuman tawag diyan.

“Actually, ibig sabihin lang no’n, dapat may kontrata. Tapos nga­yon, sinisira ninyo ang buong pagkatao ko. 

“Ping, pare, kung hindi mo kaya ‘yon, if you can’t take the heat, get the hell out of the kitchen tapos finuck you sign mo pa ako? Pare, mali, ano ba talaga ang agenda n’yo men? Kasi ako, pare, tunay akong tao, may puso, may pagmamahal at hindi ako gago at ignorante.

“Bakit n’yo ako ginaganito? Meron ba kayong vendetta against me? Wala naman akong ginagawang mali sa inyo. Bakit nyo ginagawa sa akin ito? May ginawa ba ako?

“Tapos sinasabi nila, even like Liza Danyo or whoever, they all think na I’m a bastos actor,” ang mahaba na pralala ni Baron na hindi nag-research bago nag-emote dahil kung nagtanong-tanong siya, malalaman niya na Diño at hindi Danyo ang family name ni Liza na dyowa ni Aiza Seguerra.

vuukle comment

BOOBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with