^

Bansa

Duterte sa drug personalities: ‘Kung ayaw mamatay ‘wag lumabas ng bahay!’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Duterte sa drug personalities: �Kung ayaw mamatay �wag lumabas ng bahay!�
“In the coming days, I will make it a must, a mandate na lahat kayo na natamaan ng droga ‘wag kayong lumabas ng bahay. Wala man akong presuhan, pumasok kayo sa bahay ninyo, mag-lock kayo. Pagka lumabas kayo, p---inanyo papatayin ko kayo, ‘pag nakita ko kayong lumabas,” wika ng Pangulong Rodrigo Duterte sa San Beda Law alumni homecoming sa Bonifacio Global City, Taguig City.
PPD/Released

MANILA, Philippines – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapalabas siya ng kautusan na dapat nasa loob lamang ng kanilang bahay ang mga drug personalities kung ayaw nilang mamatay.

“In the coming days, I will make it a must, a mandate na lahat kayo na natamaan ng droga ‘wag kayong lumabas ng bahay. Wala man akong presuhan, pumasok kayo sa bahay ninyo, mag-lock kayo. Pagka lumabas kayo, p---inanyo papatayin ko kayo, ‘pag nakita ko kayong lumabas,” wika ng Pangulo sa San Beda Law alumni homecoming sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ginawa ni Duterte ang banta matapos matuklasan niyang umaabot sa P216 bilyon ang industriya ng droga kada taon sa estimated na 3-M addict na umuubos ng P200 kada araw sa kanilang bisyo.

“Where do they get P200 to sustain their [addiction]? They rob, they kill, hold-up dito sa Manila. Medyo ngayon wala na, but that’s only... for the moment lang ‘yan, takot kasi eh. Wala na ang mga istambay... How de we make it permanent?” wika pa ng Pangulo.

“Can we legislate [in] Congress, can we legislate fear, respect of the law? Wala. Hindi mo puwedeng tapik-tapikin ‘Kawawa naman ang Pilipino, huminto ka na,” dagdag pa ni Duterte.

Aniya, natapos na din ang validation sa listahan ng mga government officials, kasama ang mayors at barangay chairmen, pulis, hukom at iba pang involved sa drugs ay isusumite niya ito sa National Security Council, Senate President at House Speaker.

“Let us formulate [a plan] how to prevent a disaster for the next gene­ration,” sabi ng Pangulo na iginiit na higit pa sa terorismo, ang drugs ang pinaka seryosong problema sa bansa.

“Droga ang pinaka because it would leave us in its wake so many insane persons.”

“So noong nanalo ako, I named already known personalities. But to my horror, after the so many names that I mentioned, the final report of the PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency), from all sources collated, from the national intelligence community, NBI, lahat. Binigyan ako ng kopya ganun kakapal, sabi ko medyo problema ito... Tinawagan ko ang Cabinet sabi ko hindi ko ito kaya,” giit pa ni Duterte.

“And even if assuming na sinasabi nila na pinapatay ko, sinasabi ko sa kanila I will run out of time and bullets because of this report,” wika pa ng Pangulo.

vuukle comment

KUNG AYAW MAMATAY ‘WAG LUMABAS NG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with