^

PSN Opinyon

Wala pang kasiguruhan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON sa Bangko Sentral, ang tinatawag na “policy shift” ni Pres. Rodrigo Duterte ang dahilan kung bakit naging matumal ang negosyo nitong huling tatlong buwan ng taon. Wala pa ring kasiguruhan sa negosyo ang tila paglapit sa China at Russia, at paglayo sa US ng administrasyong Duterte. Ayon sa ilang negosyo, nawalan na sila ng benta magmula nang magsimula ang matitinding batikos ni Duterte sa US. Isama pa rito ang paglakas ng dolyar. Inasahan nga na magtataasan na ang mga halaga ng bilihin, pati ng gasolina at diesel, dahil sumasampa na sa P50 ang palit ng dollar.

May mga nagsasabi na maganda ang pagi-ging malapit ng Pilipinas sa Russia. Maraming mabibili sa Russia na mas mura umano kaysa sa US at ibang bansa, tulad ng mga armas, pati raw ang langis. Dahil mahina raw ang ekonomiya ng Russia, kailangan nila ng mga puwedeng bentahan ng kanilang produkto. Pero kung may mabebenta naman ang Pilipinas sa Russia ang tanong. Kung mahina nga ang kanilang ekonomiya, baka hindi na muna sila naghahanap ng mga bibilhin nila, at mas gustong magbenta. Kaya sila ang mas makikinabang sa pagiging malapit ng dalawang bansa sa isa’t isa.

Inaantabayanan din ng buong mundo kung saang direksiyon dadalhin ni President-elect Donald Trump ang US, pagdating sa ekonomiya at negosyo. Isa sa mga naging pangako ni Trump sa kampanya niya ay ibabalik ang mga negosyo at trabahong napunta sa ibang bansa sa US. Kaya nangangamba na rin ang ilang mga negosyo, at baka ipatupad ni Trump ang kanyang mga pangako. Isang isyu rin ay ang South China Sea. Naniniwala ang China na mas magiging agresibo ang US sa rehiyon sa ilalim ni Trump. Kahit tila nawalan ng kaalyado – ang Pilipinas – magpapatuloy ang kanilang mga “freedom of navigation and overflights” para ipakita na malakas pa rin sila sa rehiyon. Kaya kung saan lalagay ang bansa ay hindi pa matiyak. Panahon ng kasiyahan ang Disyembre, dahil sa kapaskuhan. Pero tila pagpasok ng bagong taon, maraming pangyayari na magkakaepekto hindi lang sa bansa, kundi sa buong mundo.

vuukle comment

PRES. RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with