^

Metro

Kelot todas sa naka-bonnet na gunman

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang walang trabahong lalaki ang patay makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaking nakasuot ng bonnet sa may Brgy. Bahay Toro, Quezon City, kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang  biktima na si Jonathan Morillo, alyas “Tata”, 37, ng Sitio Gaya-Gaya, Seminary Road, Project 8, Brgy. Bahay Toro, QC.

Isinalarawan naman ng isang testigo ang suspek sa taas na 5’5, nakasuot ng itim na jacket at bonnet, baseball cap at facemask.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Seminary Road, Sitio Bathala, Brgy. Bahay Toro, Project 8, QC dakong alas-8:00 ng gabi.

Kuwento ng isang testigo tinatahak niya ang pakurbang bahagi ng Seminary Road, nang marinig ang mga putok ng baril na nagmumula malapit sa kanyang lugar. Ilang sandali, biglang sumakay sa kanyang tricycle ang suspek at nagpahatid sa may Sitio Militar, Villa Socorro St., sa nasabing barangay.

Samantala, sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene narekober ang limang basyo ng kalibre .9mm, at isang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

NAKA-BONNET NA GUNMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with