^

Dr. Love

Gusto uli magka-baby

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal ko nang hinintay na sana mabago ang desisyon ng mister ko na magkaroon kaming muli ng bagong baby. Pitong taon na ang panganay namin at naghahanap na rin ito ng kapatid.

May kakayahan pa naman akong magbuntis sa edad na 32 habang 45-anyos naman ang mister ko. Pero hindi ko maintindihan kahit sa kabila nang panghihikayat ng aming pamilya ay marami pa rin siyang “baka,” gaya nang baka mahirapan ako at baka hindi na niya kayaning tulungan ako sa pag-aalaga ng isang sanggol.

Pero nagkaroon ako ng pag-asa nang isang gabi ay sabihin niyang akitin ko siya para makapagtalik kami. Wala rin pong nangyari, dahil hanggang salita lang siya. Hanggang sa natuklasan ko na may problema pala siya.

Sa kapipigil niya sa sarili ay hindi na siya tinatayuan. Kung nasabi niya lang agad, hindi ako mangungulit. Inaya ko siyang magpatingin at magpa-counsel na rin dahil lagi siyang may pagdududa sa kakayahan niya.

Gusto ko po na magbalik ang kumpiyansa ng aking asawa at mabura rin sa isip niya na maghahanap ako ng ibang romansa dahil sa kondisyon niya. Payuhan po ninyo ako kung paano ko matutulungan ang mister ko.

Gumagalang,

Lilian

Dear Lilian,

Lalo niyang kailangan ang atensiyon mo sa pinagdaraanan niya. Sikapin mo rin na laging maiparamdam sa kanya na hindi makakaapekto sa pagmamahal mo sa kanya ang sitwasyon niya. At dagdagan mo ang iyong paglalambing sa kanya, hi­ngin mo rin ang rekomendasyon ng inyong physician para sa ilan pang mahalagang medical advice.

DR. LOVE

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with