^

PSN Showbiz

Enchong pumiyok, nasarapan sa laplapan nila ni Jessy! Paulo at Gerald ipapareha kay Darna?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Enchong pumiyok, nasarapan sa laplapan nila ni Jessy! Paulo at Gerald ipapareha kay Darna?!
Jessy at Enchong

SEEN: Nagmistulang tsismoso si Senator Manny Pacquiao dahil sa ibinulgar niya kahapon sa mga television interview na P8 million ang halaga ng pera na naibigay noon ng drug pusher na si Kerwin Espinosa kay Senator Leila de Lima. Inunahan pa ni Pacquiao si Espinosa sa pagbibigay ng testimonya.

SCENE: Hinampas ni Jessy Mendiola ang tuhod ni Enchong Dee dahil sa sinabi nito kahapon sa presscon ng Mano Po 7: Chinoy na nasarapan siya sa kissing scene nila ng girlfriend ni Luis Manzano.

SEEN: Poker face at machong-macho si Enchong Dee nang sabihin nito na masarap ang halikan nila ni Jessy Mendiola sa Mano Po 7: Chinoy.

SCENE: Sina Paulo Avelino at Gerald Anderson ang possible leading men ni Angel Locsin sa long-delayed Darna movie na isa sa mga project ng Star Cinema sa 2017.

SEEN: Ang send off presscon kahapon ng Miss World Philippines Organization kay Catriona Gray, ang official representative ng Pilipinas sa Miss World 2016 na idaraos sa December 18 sa Maryland, USA.

SCENE: Si Tates Gana ang special guest ni Karla Estrada sa 42nd birthday celebration nito kahapon sa Magandang Buhay ng ABS-CBN. Si Tates ang longtime partner ni QC Mayor Herbert Bautista at best friend siya ni Karla na kinaibigan ni Kris Aquino nang sumikat si Daniel Padilla.

SEEN: Ngayon ang National Beki Day dahil magbubukas sa mga sinehan ang Working Beks, ang pelikula na tribute ng Viva Films sa mga bading.

SCENE: Ang Ika-anim Na Utos ang ipapalit ng GMA-7 sa Oh, My Mama! na magwawakas sa huling linggo ng Nobyembre. Mga bida sa bagong afternoon teleserye ng GMA-7 sina Gabby Concepcion, Ryza Cenon, at Sunshine Dizon.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with