^

True Confessions

Ang Magkapatid (55)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUYA, nagsisimula nang mangyari ang mga si­nabi mo noon. May ma­ganda ka nang trabaho ngayon at palagay ko sa mga susunod na araw o buwan ay baka mataas na ang posisyon mo,” sabi ni Ada habang ipinaghahanda ng hapunan ang kapatid.

“Oo Ada, hindi nga ako makapaniwala na natupad na. Ako pa nga ang nagugulat sa mga nangyayari sa akin. Hindi ako makapaniwala.’’

“Nangyayari na nga ang mga inimadyin mo noon. Lahat nang dinrowing mo sa isip na pinagsikapan mong matupad ay nagaganap na. Kaya huwag ka nang magtaka dahil marami pang magaganap na magaganda sa ating buhay.’’

Umupo si Ipe sa plastic na silya.

“Kumain ka muna Kuya. Alam ko, gutom ka. Paborito mo ang niluto ko – nilagang talong, okra, sawsawang bagoong, kamatis at tinapang galunggong.’’

“Wow! Sarap n’yan.’’

“Siguro Kuya kahit na marami na tayong pera, hindi mo malilimutan ang ulam na ‘yan.’’

“Siyempre naman. Hindi ko malilimutan dahil ito ang pagkaing nakamulatan natin. Di ba pati si Mama, gustung-gusto ang ulam na ito.’’

“Oo nga.’’

“Siyanga pala sa unang­ suweldo ko, kakain tayo sa isang restaurant. Isama natin si Tita Karla.’’

“Sige Kuya. Matutuwa yun.’’

 

PINATAWAG ng ma­nager si Ipe isang umaga.

“Hangang-hanga ako sa performance mo John Phillip. Wala ka pang isang buwan pero sanay na sanay ka na. Kakabilib!’’

“Salamat Sir.’’

“Nasisiyahan ako. Bihira ang katulad mo.’’

“Dadagdagan ko pa po ang pagsisikap, Sir.’’

“Huwag kang magbabago, John Phillip.’’

“Hinding-hindi po.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG MAGKAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with