Mocha Uson ibabahagi ang Tunay na Buhay
MANILA, Philippines - Ngayong Miyerkules (Nov. 23), kikilalanin pang lalo ni Rhea Santos si Mocha Uson sa Tunay na Buhay.
Mula nang maging lider siya ng all-girl sexy group na Mocha Girls, naging flavor of the month na siya ng maraming kalalakihan. Pero sa ngayon, mas aktibo na si Mocha sa social media kung saan mayroon na siyang mahigit sa apat na milyong followers.
Karamihan sa kanyang mga ipino-post, tungkol sa pagsuporta niya kay Presidente Rodrigo Duterte. Dahil din dito ay nasasangkot siya sa iba’t-ibang mga kontrobersya.
Panuorin ang Tunay na Buhay ni Mocha Uson ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.
- Latest