^

Police Metro

Pamilya Marcos, AFP officials pinako-contempt sa SC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghain ng petition for contempt sa Supreme Court ang mga Martial Law activist laban sa ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines at pamilya Marcos.

Sinabi nina dating Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Satur Ocampo, na ang biglaang paglibing kay Marcos ay pagkutya sa due process, sapagkat hindi pa naman umano nag-lapse ang 15-araw na palugit para i-appeal ang desisyon ng Korte Suprema.

 Malinaw din anila na nilabag nang “madalian at mapanlinlang” na Marcos burial sa LNMB ang mga doktrina ng batas.

Kinilala bilang respondets sa kanilang petisyon sina Rear Admiral Ernesto Enriquez, Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs, AFP chief General Ricardo Visaya, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos at mga anak na sina Gov. Imee, Sen. Bongbong at Irene.

 Iginiit ng mga petitioners na kahit inalis pa raw ang status quo ante order sa paglilibing, hindi pa rin umano ito nangangahulugan na may karapatan na ang tinukoy na respondents na gawin ito.

Hinimok ng petitioners ang Korte Suprema na pagmultahin at obilaghin ang mga pinako-contempt na i-reimburse ang pondo mula sa kaban ng bayan na ginamit sa naturang libing.

Pormal din inihain sa Korte Suprema ng grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman at ng mga kaanak ng mga Deceparacidos ang petis­yon para ipahukay ang labi ni Marcos sa LNMB.

 Sa anim na pahinang Urgent Motion or Petition for the Exhumation ni Lagman ay nais nitong ipahukay kung anuman ang inilibing sa sinasabing puntod ng dating Pangulong Marcos noong Biyernes.

 Naniniwala ang grupo ni Lagman na ang naging pasikretong paglilibing sa labi ng dating Pangulo ay maituturing na premature at iregular lalot, wala pa namang final ruling ang Korte Suprema sa naturang usapin at hindi pa rin naman anila pinal ang pagtatanggal ng Status Quo Ante Order ng SC.

vuukle comment

PAMILYA MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with