^

Bansa

Pacquiao naniniwala sa rebelasyon ni Kerwin

Rudy Andal, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao naniniwala sa rebelasyon ni Kerwin
Sinabi ni Senador Manny Pacquiao sa panayam ng DZBB kahapon na, nang dumating sa bansa si Kerwin Espinosa noong Biyernes mula sa Abu Dhabi at magkausap sila, nakakagulat anya ang mga ibinulgar nitong mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade kabilang ang mga elected officials.
AJ Bolando/Philstar.com, file

MANILA, Philippines – Naniniwala si Senador Manny Pacquiao sa mga rebelasyon sa kanya ng hinihinalang drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sinabi ni Pacquiao sa panayam ng DZBB kahapon na, nang dumating sa bansa si Kerwin noong Biyernes mula sa Abu Dhabi at magkausap sila, nakakagulat anya ang mga ibinulgar nitong mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade kabilang ang mga elected officials.

“Marami siyang sinabi at talagang nakakagulat. Hindi ko na siguro banggitin mga binanggit niya kasi magkakaroon naman siya ng affidavit,” wika pa ni Pacquiao sa panayam. “Sa tingin ko, kapanipaniwala naman [ang mga sinabi niya] kasi sa detalye ng ipinapahayag niya,” giit pa ng mambabatas.

Samantala, pinabulaanan ni Whistleblowers Association of the Philippines Sandra Cam ang mga ispekulasyong dinidiktahan umano niya ang batang Espinosa.

 Aniya, ang mga nagpapalabas ng espekulasyon ay mga taong sangkot sa illegal drug trade at isinangkot ni  Kerwin.

Matatandaang si Cam ay personal na nakipag-usap kay Kerwin sa Abu Dhabi bago pa man ito nadala ng mga otoridad pabalik sa Pilipinas.

vuukle comment

SENADOR MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with