^

Bansa

2 mangingisdang Indon dinukot ng Abu Sayyaf

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang mangingisdang Indonesian ang dinukot ng mga pinaniniwalaang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf, ayon sa Armed Forces of the Philippines kahapon.

Sinabi ng military na limang armadong lalaki na nakamaskara at sakay ng isang speedboat ang dumukot sa mga biktima sa Kunak District, Sabah, Malaysia, dakong ala 7:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Sawal Maryam at Saparuddin Kone. Sila ay itinakas ng mga bandido sakay ng speed boat.

Samantala, naka-alerto na ang Joint Task Force Tawi-Tawi hingil sa insidente.

 Magugunitang buwan ng Mayo nang palayain ng ASG ang 14 na mangingisda.

Habang nitong July, sinabi ng Malaysian police na limang Malaysian tugboat crew ang dinukot ng mga bandido sa baybayin ng Sabah.

vuukle comment

INDON DINUKOT NG ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with