^

PSN Showbiz

Parade ni Kylie Verzosa natabunan ng libing ni FM Sarah sumipot sa concert ni Matteo

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Joshua at Sandro damay sa salpukan ng Aquino at Marcos

SEEN: Dalawang pelikula ng newcomer na si Ronnie Alonte ang kasali sa Metro Manila Film Festival 2016, ang Vince & Kath & James ng Star Cinema at Seklusyon ng Reality Entertainment. Pinag-uusapan si Ronnie dahil sa kanyang alleged video scandals sa Internet.

SCENE: Sinuportahan ni Sarah Geronimo ang 10th anniversary concert sa Cebu City ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli noong Biyernes.

SEEN: Apektadung-apektado sina Jim Paredes at Leah Navarro sa paglilibing sa labi ni ex-President Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Biyernes. Parang 1986 uli ang pakiramdam nina Paredes at Navarro.

SCENE: Damay sa mga paninira sa mga Marcos si Sandro, ang anak ni former Senator Bongbong Marcos. “Pangit si Sandro” ang nakasulat sa placard ng mga nag-rally laban sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

SEEN: Nadamay din sa away ng mga supporter ng mga Aquino at Marcos ang anak ni Kris Aquino na si Joshua dahil sa personal na paninira kay Sandro Marcos.

SCENE: Halata sa mga eksena ni Jeric Raval sa Working Beks na nagkaedad na siya kaya kapani-paniwala ang sinabi niya kay John Lapus na 56-years old na siya.

SEEN: Payag si Sanya Lopez na mag-pose ng sexy para sa mga men’s magazine dahil ipinagmamalaki niya ang kanyang seksi na katawan.

SCENE: Natabunan ng mga balita ng paglilibing kay ex-President Ferdinand Marcos sa Libingan ng Mga Bayani ang homecoming parade ni Miss International 2016 Kylie Verzosa sa Araneta Center noong Biyernes.

SEEN: Tungkol sa mga domestic helper sa Hong Kong na nangarap na ma­ging beauty queen ang kuwento ng Sunday Beauty Queen, ang documentary movie na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

vuukle comment

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with