^

PSN Palaro

Cavs pinisak ang Pistons

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND - Nagsalpak si Kyrie Irving ng 11 of 15 field goals para tumapos na may 25 points para tulungan ang Cavaliers sa 104-81 panalo laban sa Detroit Pistons.

Nagdagdag si Irving ng 11 assists para sa Cleveland na naging malamya ang panimula bago iwanan ang Detroit mula sa itinalang 33-point lead.

Nagbalik si LeBron James, hindi pinaglaro sa kanilang kabiguan sa In­diana Pacers kamakalawa, at kumamada ng 21 points, 3 rebounds at 3 assists, habang naglista si Kevin Love ng 12 points at 13 rebounds.

Dahil dito ay ipinahinga ni coach Tyronne Lue ang kanyang mga starters sa final period.

Nagtala ang Cavs ng 11-of-25 shooting sa three-point line at may 7-1 record sa kanilang balwarte at may best record sa Eastern Conference sa kanilang 10-2 baraha.

Tanging si reserve Jon Leuer ang umiskor sa double figures para sa Pistons sa kanyang 15 markers.

Sa Sacramento, kumolekta si Blake Griffin ng 29 points, 7 rebounds at 6 assists para pangunahan ang Los Angeles Clippers sa 121-115 panalo laban sa Kings.

Ito ang pang-walong panalo ng Clippers (11-2) sa kanilang huling siyam na laro para sa best record sa NBA.

Naglista ang Clippers ng 26-point lead sa ope­ning half at hindi pa natatalo sa kanilang anim na road games ngayong season.

Tumipa si J.J. Redick ng anim na 3-pointers at umiskor ng 22 sa kanyang 26 points sa first half para sa Clippers.

Sa Boston, kumamada ang Golden State Warriors sa third period para talunin ang Celtics, 104-88, tampok ang 28 points ni Klay Thompson at 23 ni Kevin Durant.

vuukle comment

KYRIE IRVING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with