^

PSN Palaro

Jaja humataw sa Foton

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Jaja humataw sa Foton
Na-blocked ni Polina Liutikova ng Generika ang laglag ni Laura Rae Schauldt ng Cignal.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines – Sakto ang pagdating ni Jaja Santiago na siyang tumulong upang dalhin ang nagdedepensang Foton sa 25-20, 20-25, 29-27, 21-25, 15-7 panalo sa RC Cola-Army  kagabi sa 2016 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Philsports Arena sa Pasig City.

Naging matatag na armas ng Tornadoes ang matatalim na services nito kasama ang solidong reception para pigilan ang Lady Troopers at umangat sa 7-1 baraha.

Nagsumite si Santiago ng 22 kills, limang blocks at tatlong aces habang ma­lakas na suporta ang inilatag ni American import Lindsay Stalzer na nagrehistro naman ng 25 puntos.

“This is such a good win for us. Although we’re glad with the win, our focus is the playoffs because anything can happen there. I’m just glad with how the team responded after our pre­vious lost,” ani Serbian Foton coach Moro Branislav.

Bumagsak ang Lady Troopers sa 3-5 marka.

Nanguna para sa Lady Troopers si dating UST juniors national team member Kierra Holst na umani ng 24 puntos samantalang nag-ambag si Jovelyn Gonzaga ng 17 puntos at 15 naman si Honey Royse Tubino.

Sa unang laro, natag­puan na ng Generika ang tamang kumbinasyon nang gimbalin ang Cignal,  25-15, 25-20, 25-22  para makuha ang unang panalo.

Umariba ng husto para sa Lifesavers si Ukrainian import Polina Liutikova nang magtala ito ng pitong attacks, dalawang aces at isang block habang nakatuwang nito si open hitter Shaya Adorador ng siyam na markers.

Sumulong sa 1-9 re­kord ang Generika habang bagsak sa 1-7 ang HD Spikers.

 Nangibabaw para sa HD Spikers si Sandra Delos Santos na naglista ng 12 points habang nagdag­dag naman ai American import Laura Schaudt ng 11 markers.

Bigong makakuha ng puwersa ang Cignal mula kina Paneng Mercado, Mylene Paat at Janine Marciano.

Hindi pa ring nakapag­laro si Puerto Rican import Lynda Morales na may iniindang injury.

vuukle comment

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with