^

PSN Opinyon

Si Bato, si Kerwin at ang libing

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

LINGID sa kaalaman nang marami si Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang principal na may pakana o tawagin na nating “mastermind’ sa madalian at sikretong libing ni dating Pres. Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong  Biyernes.

Hindi kaila na magaling si Bato sa tinatawag na “element of surprise” tuwing may crisis situation na kailangang resolbahin na ilang kaso sa nakaraan katulad noong hostage-taking situation sa Davao Penal Colony (Dapecol)  noong March 1998 at ang matagumpay na rescue ng isang negosyanteng ginang na taga-Quezon City sa loob ng isang banko dito sa Davao CIty noong 2013.

Si Dela Rosa ang nanguna sa pagresolba ng mga krisis na ito na kung saan namatay ang walong inmates na hostage-takers sa Dapecol situation.  

At ganundin patay ang tatlong kidnappers na dumukot sa isang businesswoman mula Quezon City at dinala pa rito sa Davao City na kung saan sa aktong magwi-withdraw na sana ng pera sa isang banko dito sa Claveria St. ay agad isinagawa ni Bato ang rescue operation.

Maging sa raid ng isang shabu laboratory dito sa Davao City noong 2005  ay si Bato rin ang may pakana kung paano isinagawa ang raid na ikinamatay ng anim na Chinese nationals at pagkadakip sa 10 suspects. 

Kaya sa maraming cases na kinober ko noon na andun si Bato, alam ko na kung paano siya gumalaw.

“Nang-iisa” si Bato. Talagang eksperto na si Bato sa sinasa­bing “element of surprise” kung paano isasagawa ang operasyon. 

Kaya nang mangyari ang libing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Biyernes agad kong tinawagan si Bato at sinabihang “Sa iyo ito, ano?”

Malutong ang tawa ni Bato, “Hahahahahahaha! Kapitan pa lang ako naisahan na kita!’’

Sabi ko na nga ba at siya pa mismo ang sumundo kay Kerwin Espinosa noong Biyernes ng madaling araw kung saan ang attention ng media ay nakatuon sa pagdating.

At tinaon pa na kalalapag lang ni Pres. Rodrigo Duterte sa Lima, Peru para sa pagpupulong ng leaders ng 21 bansa para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

At sinabi pa nga ng Marcos family na unang araw pa ‘yun ng siyam na araw na padasal para sa yumaong dating Presidente.

Ngunit napakabilis ng mga pangyayari at nailibing na si Marcos na hinalintulad din sa isang “thief in the night”.

At sa lahat nang ‘yun, nakikita ko ang kamay ni Bato.

vuukle comment

EDITH R. REGALADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with