Alex afford isnab-isnabin ang showbiz, BF sobrang yaman
Afford na afford daw ni Alex Gonzaga na isnab-isnabin ang showbiz in case na magdesisyon na siyang mag-asawa.
Ang say kasi ng aking friend, belong sa super rich ang boyfriend ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada.
Yup, as in may-ari ng mga bangko sa Lipa City, Batangas ang pamilya ni Mikee. At kaibigan pala ito ni Piolo Pascual. “They own some banks in Lipa. Very good person and very rich,” tsika ng source ko na belong din sa circle ng pamilya ng old rich.
Graduate daw si Mikee ng La Salle at 26 years old.
Hindi kasi pinangalangan ni Alex si Mikee nang ilantad niya sa social media kaya nang malaman ng source ko, may I kuwento siya.
Ang caption niya lang sa photo nila with her sister Toni and her husband Paul Soriano with Vice Ganda ay: “Not a third or fifth wheel anymore #Thisisit”” na kuha sa birthday ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal. Though prior to that ay may photos na sina Alex at Mikee na magkasama sa social media na hindi account ni Alex.
Kung sabagay graduate din naman si Alex ng University of Asia and Pacific.
Kaya sakaling gusto na niya ng asawa, tiyak hindi siya manghihinayang sa kanyang kikitain.
Lately, kasi ay hindi active ang career ni Alex. Last movie niya ang The Rebound Girl na in all fairness ay kumita naman daw ng almost P25 million. Under Regal Films ang nasabing pelikula. Book writer din ang TV host actress.
- Latest