^

Bansa

LPA magpapaulan sa bansa ngayon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabantang ulanin ang iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa isang low pressure area na nasa loob ng ating bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.

Alas-11 ng umaga kahapon, ang LPA ay namataan sa layong 570 kilometro ng silangan ng Hinatuan Surigao del Sur.

Dahil naaapektuhan ang LPA sa Intertropical zone (ITCZ) , maulap na may pag-uulan ang buong Visayas, Mindanao, Calabarzon, Mimaropa at Bicol Region gayundin ang buong  Metro Manila at nalalabing bahagi ng  Luzon.

Bunga nito, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat at magdala ng anumang pananggalang sa ulan kung lalabas ng bahay.

Sinabi pa ng ahensya na maaliwalas naman ang karagatan.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with