^

Police Metro

Pulis binaril ang utol ng 6 beses

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pulis binaril ang utol ng 6 beses
Ang biktima ay ang kapatid nitong si Anthony Igus 32, barangay tanod na nagtamo ng 6 bala sa tiyan, kaliwang hita at kaliwang tuhod. Habang ang ama nila na si Serafin Igus Jr., 58, barangay lupon ay tinamaan ng bala sa magkabilang paa at ang pamangkin na si Tom Rich Avila, 10, pawang residente ng Gate 14, Area B, Parola Compound, ay tinamaan sa kaliwang hita.
File photo

MANILA, Philippines – Nagbarilan ang isang pulis at kapatid nitong barangay tanod habang nasugatan din ang ama at pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila.

Ang suspek na kusang sumuko ay kinilalang si PO1 Ariel Igus, 34, binata, nakatalaga sa Intramuros Police Community Precinct na sakop ng Manila Police District-Station 5, na nakapiit sa General Assignment and Investigation Section na nahaharap sa frustrated homicide at physical injury.

Ang biktima ay ang kapatid nitong si Anthony Igus 32, barangay tanod na nagtamo ng 6  bala sa tiyan, kaliwang hita at kaliwang tuhod. Habang ang ama nila na si Serafin Igus Jr., 58, barangay lupon ay tinamaan ng  bala sa magkabilang paa at ang pamangkin na si Tom Rich Avila, 10,  pawang  residente ng Gate 14, Area B, Parola Compound, ay tinamaan sa kaliwang hita.

Batay sa ulat, bago naganap ang duwelo ng mag-utol dakong alas -8:50 ng gabi sa loob mismo ng bahay ng pamilya Igus sa Gate 15,  Area D ng Parola Compound ay lasing na dumating ang pulis at kasunod na  dumating na din ang biktima na may dalang 2 baril.

Sinabihan ng pulis ang kapatid na ang ganda ng dala nitong baril na ikinapikon ng una at nagha­mon ng barilan na pinatulan ng biktima.

Nang umawat  ang ama ay tinamaan ito at maging ang naglalakad na pamangkin.

Nabatid na may galit ang biktima sa suspek dahil umano sa pagsugpo ng huli sa iligal na gawain sa kanilang lugar.

vuukle comment

PULIS BINARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with