^

Police Metro

9 drug suspects humabol sa Undas

Pang-masa
9 drug suspects humabol sa Undas
Ayon Police Community Precinct 1, dakong alas-12:10 ng hatinggabi ay target ng kanilang ope­ration sa Bagong Barrio si Pineda, na nakahalata na pulis ang katransaksyon kaya’t kumuha ng baril at pinagbabaril ang mga pulis na gumanti ng putok at napatay ito.
AP Photo/Aaron Favila

MANILA, Philippines - Mistulang hu­mabol sa Undas ang siyam katao na pawang drug suspects nang manlaban umano ang mga ito sa isinagawang buy bust operation sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at Agusan del Norte.

Batay sa ulat ng Caloocan City Police, napatay ang tatlong drug suspects na sina Alvin Aviles Villareal, 34, ng Tala; Raul Maxino Roa, alyas “Arnel”, 51, ng Brgy. 59, at Arnold Pineda, 35, ng Bagong Barrio.

Ayon Police Community Precinct 1, dakong alas-12:10 ng hatinggabi ay target ng kanilang ope­ration sa Bagong Barrio si Pineda, na nakahalata na pulis ang katransaksyon kaya’t kumuha ng baril at pinagbabaril ang mga pulis na gumanti ng putok at napatay ito.

Nakipagbarilan at napatay dakong ala-1:00 ng madaling araw ang suspek na si Roa sa mga umaarestong pulis sa buy bust operation sa Daang Bakal sa Brgy. 159 at alas-5:00 ng madaling araw nang mapatay ng mga tauhan ng Police Community Precint 4 si Aviles nang makipagbarilan umano ito. Target ng mga pulis ang notoryus na tulak na si Joey Cadena ngunit nagawang makatakas  nang mamaril si Aviles.

Dalawa naman ang napatay dakong alas-5:00 ng umaga kahapon sa Road 1, Pulong Diablo, Brgy.Malanday, Valen­zuela City na kinilalang sina Noel Dela Cruz; at Aldrin Guebalaguin.

Tatlo ang napatay sa Quezon City sa isinagawang buy bust operation na kinilalang sina Rizaldo Galang, alyas Radgie ng Brgy. Sauyo; Nelson Puzon, 42, dating miyembro ng Brgy. Sangandaan Auxillary Force ng Pro­ject 8; at Jhuver Brian Padilla, 35, negosyante ng Paradise Village ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng hapon ay isinagawa ng mga operatiba ng QCPD Station Anti-Illegal Drugs ng PS-4 at  isang operatiba ang nagkunwaring buyer ng halagang P500 shabu kay Galang na nakatunog na pulis ang buyer sanhi upang manlaban ito at paputukan ang mga pulis na gumanti ng putok at napatay.

Narekober sa crime scene ang limang sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi mabatid na rami ng shabu, isang kalibre. 38 revolver, tatlong bala, tatlong basyo ng kalibre. 38 at  ang P500 buy bust money.

Napatay naman sina Puzon at Padilla makaraang manlaban at maki­pabarilan sa mga operatiba ng anti-drug Unit ng Quezon City Police sa Brgy. Sangandaan kamakalawa ng alas-4:30 ng hapon.

Sa pagsisiyasat, si Puzon ay nasa no. 15 drug watch list na personalidad ng QCPD Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Police Station-3 at nagpanggap na bibili ng P500 halaga ng shabu sa mga suspek sa naturang lugar.

Narekober ng mga otoridad sa dalawang suspek ang limang piraso ng sachet ng shabu, dalawang cellphone, isang kalibre. 45 at isang kalibre. 38 baril na may mga magazine at mga bala, two Icom two way radio.

Patay din sa isinagawang drug  operation  sa public market sa Buenavista, Agusan del Norte ang kilalang drug pusher na si Jeffrey Hermosa nang manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy bust dakong alas-11:00 ng gabi. Danilo Garcia, Ricky Tulipat, Rhoderick Beñez

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with