^

Pang Movies

Marian tahimik na nakiramay kay Jennylyn

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian tahimik na nakiramay kay Jennylyn
Marian Rivera

Tahimik na nakiramay si Marian Rivera kay Jennylyn Mercado. Walang nakaalam sa pagbisita niya sa wake ng Mommy Lydia ng Ultimate Star. Wala ring post sa social media account niya si Yan Yan tungkol dito.

Tanging ang manager niyang si Rams David ang nagkumpirma sa pagbisita sa wake ni Marian. Nagpadala rin ng bulalak ang APT Entertainment bilang pakikiramay kay Jen.

Siyempre, masayang-masaya ang fans ni Jen sa gesture ni Marian. Dahil sa tahimik na pagdamay kay Jen, naniniwala silang kaibigan ang turing ni Marian sa kanilang idolo.

Sabi nga, malalaman mo ang tunay mong kaibigan sa oras ng iyong pagdadalamhati at naramdaman ‘yan ni Jennylyn kay Marian.

Sa totoo lang, maging sa pagtulong sa nanga­ngailangan, ayaw ni Yan Yan na i-broadcast ito, huh!

Heart sa isla nag-Undas

Balesin Queen na ang tawag ni Heart Evangelista sa kanyang sarili. Doon siya nagdaos ng long-weekend with matching picture sa hagdanan sa Instagram account niya.

Unlike ilang celebrities na sa ibang bansa idinaos ang Undas, sa paboritong isla ang mas pinili ni Heart, huh!

Marami rin kasing magagandang memories si Heart sa Balesin lalo na ‘pag kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero. Malay natin, sa isla na mabuo ang panganay nila, huh!

Tatay ni Alden gustong pumapel sa ‘honeymoon’ nila ni Maine

Limitado ang posts ng AlDub Nation sa biyahe ng idolo nilang sina Alden Richards at Maine Mendoza. Binawalan daw kasi ang fans ng management ng dalawa na mag-post ng pictures/videos ng dalawa.

Unang bumiyahe si Meng kasama ang Eat Bulaga boss na si Jenny Ferre. Sa kasunod na araw bumiyahe si Alden.

Tanging post lang sa airport ang nakita namin sa social media. Isa ‘yung inihahatid si Maine ng kapatid niya. Hindi kasi kasama ang parents niya sa biyahe niyang ito.

May post naman ng isang fan ni Alden. Sa picture, nagpipilit sumama ang father ni Alden sa biyahe. Pero sinabihan siya ni Alden na siya lang ang lalakad.

Walang post sa destinasyong bansa nina Alden at Maine. Pero sa komento ng fans nila, four to five days lang ang araw nila sa bansang pupuntahan. Baka kasi magkagulo ‘pag kumalat kung saan ang punta nila.

Sa obserbasyon ng marami, mapapanood sa Kalyeserye Book 2 ang biyaheng ito nina Alden at Maine.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with