^

Para Malibang

Ginagawang gatasan ng bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Marie, 22, cashier sa isang mall sa Makati. Bago pa lang akong nagtatrabaho nang makilala ko si Lino, bagger namin. Nagpakita siya ng motibo sa akin at mula noon ay madalas na kaming kumain sa labas hanggang sa magkaroon kami ng relas­yon. Pero nakahalata ako sa kanya. Lagi niya akong inuutangan pero hindi nagbabayad. Kesyo may sakit ang kung sino’ng kapamilya. Noong una’y pinalampas ko dahil BF ko siya. Pero nagsisimula na akong tabangan kaya kinausap ko siya at nakipag-break. Umiyak siya at nagbantang magpapakamatay. Natakot naman ako at binawi ko ang sinabi ko. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Marie

Tapatin mo siya na sa kabila na gusto mo siyang tulungan, hindi naman puwedeng sa lahat ng panga­ngailangan niya ay ikaw na lamang ang kanyang tatakbuhan. Pareho lang kayo ng sinasahod at hindi na sasapat ang iyong suweldo dahil mayroon ka ring pamilya. Kung mahal ka niya, uunawain ka niya. Kung hindi pa rin siya magbabago, malinaw na ginagawa ka niyang “gatasan”. Ipaliwanag mo rin na kung magpapakamatay siya dahil lang kakalasan mo, paano ang kanyang pamilya na umaasa sa kanya. Nasa sa’yo pa rin ang desisyon.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

GATASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with