^

Para Malibang

Sex ang Habol

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Bibihira ang lalaking ayaw sa sex o hindi nag-e-enjoy sa sex.

Malamang na may nag-iisip sa inyo na ang mga pari ay ayaw sa sex. Pero, marami na tayong nabalitaan tungkol sa mga pari na mayroong anak.

Pero karaniwan sa mga lalaki ang nawawalan ng interes sa sex.

Kapag sex lang ang habol ng lalaki sa babae at wala nang iba, hindi malayong mawalan siya ng interes sa babae. Kaya nga  hindi magandang makipag-sex sa unang date pa lang.

May isang theory din na kaya karaniwang nawawalan ng interes ang mga lalaki sa babae ay dahil likas sa mga lalaki ang mag-enjoy ng ‘sexual variety.’

Kadalasan, ang mga babae, kapag may nagustuhang lalaki, hinahabol nila ito. Pero ang lalaki, hinahabol ang babae sa iba’t ibang dahilan.

Puwedeng hinahabol ng lalaki ang isang babae dahil gusto niya ito o kaya hinahabol niya ito dahil sa sex o ‘di naman kaya hinahabol niya ito dahil may ibang motibo tulad ng pera.

Kapag may goal ang lalaki, kaya nilang gawin lahat para maabot ito. Ngunit kapag nakuha na nila ang gusto nila, nawawalan na ito ng gana.

Kaya kung ang isang lalaki ay nawalan ng interes sa babae pagkatapos makipag-sex, ibig sabihin, sex lang talaga ang habol niya. 

Sa isip kasi ng mga lalaki, okay lang ang mag-sex at ito rin ang iniisip ng mga babae.

Ang totoo, hindi pareho ang brainwave ng mga lalaki at babae pagdating sa sex.

Ang mga lalaki, kayang mag-enjoy ng sex na wala nang ibang iniisip kundi ang enjoyin ang sex habang ang mga babae, maraming iniisip na may malaking epekto sa kanilang sexual desire.

 

vuukle comment

SEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with