^

Probinsiya

Dating piskal tugis sa P2-M bond

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon
Dating piskal tugis sa P2-M bond
Pinag­hahanap ng mga awtoridad ang dating piskal sa Olangapo City na sinasabing tinakbuhan umano ang kanyang kliyente ng halagang P2-milyon.

OLONGAPO CITY, Philippines – Pinag­hahanap ng mga awtoridad ang dating piskal sa Olangapo City na sinasabing tinakbuhan umano ang kanyang kliyente ng halagang P2-milyon.

Nahaharap sa mga kasong qualified theft at estafa laban kay Atty. Nini Cruz, dating legal counsel nina Gracita Agaton at Charina Soledad.

Sa resolusyong inilabas ng Olongapo City Regional Trial Court, nabatid na si Cruz ang dapat sanang maghahatid sa hukuman ng “bond” na nagkakahalagang P2-milyon nina Agaton at Soledad para sa civil case laban sa kilalang banko.

Nabatid na pumayag ang dalawa na magbigay ng manager’s check kay Cruz para sa pambayad sa bond na nakapangalan sa Olongapo City Regional Trial Court.

Inabisuhan umano ni Cruz ang dalawa niyang kliyente na iwanan na lang ang manager’s check sa kanya dahil wala umanong tao sa korte na tatanggap ng tseke. 

Gayunman, nakalipas ang ilang buwan ay pinursigeng hanapin ni Agaton si Cruz para alamin ang kasong kanilang inihain laban sa banko.

Subalit naghinala na si Agaton nang hindi pa rin makausap si Cruz sa kabila ng ilang beses na pagtatangka.

Minabuti ni Agaton na magtanong sa korte kung naibayad na ang manager’s check subalit nadiskub­re na napa-encashed na ito at naibayad para sa ibang kaso ng suspek na abogado.

Nabatid din na naibasura na ang kasong hinahabol nina Agaton at Soledad kaya iginiit nito na maisauli ni Cruz ang nasabing cheke.

Dahil nabigong maibalik ang malaking halaga, napilitan si Agaton na magsampa ng kaukulang kaso laban kay Cruz.

vuukle comment

20MILLION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with