^

Probinsiya

Trader utas sa motorbike crash

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humabol sa Undas ang isang negosyante makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa konkretong tulay sa kahabaan ng Lian–Nasugbu Bridge sa Brgy. Poblacion 5, bayan ng Lian, Batangas kamakalawa. Naisugod naman sa Apacible Memorial Hospital subalit idineklarang patay si Prince Patrick Udsig ng Roxas Village, Brgy. Lumbangan sa bayan ng Nasugbu, Batangas. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagmomotorsiklo ang biktima nang aksidenteng sumalpok sa konkretong bahagi ng tulay. Sa lakas ng pagkakabangga ay tumi­lapon ang biktima na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nabigong maisalba ang buhay. Sa pahayag ng ilang nakasaksi sa pangyayari, masyado umanong matulin ang takbo ng motorsiklo ng biktima kaya ito sumalpok sa kanang bahagi ng tulay.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with