^

Punto Mo

Hulihin, mga pedicab na nagka-counter flow sa North Ave., Quezon City

PULSO NG MASA - Pang-masa

Tinatawagan ko ng pansin ang mga kinauukulan sa Quezon City na hulihin ang mga pedicab na nagka-counter flow sa North Avenue, malapit sa Trinoma Mall. Lubhang delikado ang ginagawa ng mga pedicab driver na ito sapagkat maaari silang mabangga sa naturang lugar. Malalaking truck ang dumadaan sa North Avenue at masagi lamang sila ay tiyak na babaliktad ang pedicab.

Ang mga pasaway na pedicab driver ay kumukuha ng pasahero sa Agham Road at dinadala sa Trinoma o sa Mindanao Avenue sa tapat ng Veterans Hospital.

Bakit walang ginagawang aksiyon ang mga awtoridad sa QC para masawata ang mga pasaway na pedicab driver. Hihintayin pa bang may mamatay dito bago kumilos. Hulihin sila at huwag nang hayaang makadaan sa lugar. Kumpiskahin ang mga pedicab at laging bantayan ang lugar.

Salamat po. ---ALBERTO MA. LINGAT, Pag-asa, Quezon City

vuukle comment

PEDICAB NA NAGKA-COUNTER FLOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with