^

Police Metro

Bulto ng mga armas, bala nasamsam sa raid... Narco mayor tiklo

Joy Cantos - Pang-masa
Bulto ng mga armas, bala nasamsam sa raid... Narco mayor tiklo
Ayon kay Supt. Romeo Galgo, Spokesman ng PRO 12, sa bisa ng 20 search warrants na inisyu ni Judge Alan­drex Betoya ng Regional Trial Court (RTC) Branch 16, Kabacan, North Cotabato ay magkakasunod na ni-raid ng mga awtoridad dakong alas-3 ng madaling araw na tumagal hanggang alas-6 ng umaga ang mga tahanan ng alkalde sa nasabing lugar.
KRIZ JOHN ROSALES

MANILA, Philippines – Isang mayor na kabilang sa narco-politicians na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasakote habang nasamsam naman ang bulto ng mga armas at bala sa raid sa apat na tahanan nito sa Brgy. Cabaruyan, Libungan, North Cotabato nitong Sabado ng madaling araw.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 12, kinilala ang nasakoteng opisyal na si  Libungan Mayor Christopher “Amping “ Cuan.

Ayon kay Supt. Romeo Galgo, Spokesman ng PRO 12, sa bisa ng 20 search warrants na inisyu ni Judge Alan­drex Betoya ng Regional Trial Court (RTC)  Branch 16, Kabacan, North Cotabato  ay magkakasunod na ni-raid ng mga awtoridad dakong alas-3 ng madaling araw na tumagal hanggang alas-6 ng umaga ang mga tahanan ng alkalde  sa nasabing  lugar.

Nabatid na tatlo sa ni-raid na mga tahanan ni Mayor Cuan ay nasa iisang compound sa Brgy. Kabaruyan habang ang isa pa ay ang bahay nito sa kaniyang gasoline station.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) katuwang ang RPSB 12 kaugnay ng umano’y pagmimintine ng alkalde ng mga armas na walang lisensya at pagkakasangkot nito sa illegal drug trade.   ?

Nakumpiska sa operasyon ang 119 rounds ng bala ng cal 40, 116 rounds ng bala ng cal 45 pistol, isang steel magazine ng cal 45 pistol, isang unit ng cal 5.56 bushmaster, isang M16 rifle, 70 rounds ng cal 5.56 steel magazine na puno ng mga bala, tatlong cal 5.56  steel magazine, isang cal. 45 pistol, isang magazine ng cal 45 na may walang bala, 244  cartridge ng cal 45,  40 piraso ng cartridge ng cal 9 MM, isang 12 gauge shotgun, apat na rounds ng 12 gauge shotgun, isang cal 45 COLT 1911, isang steel magazine double column ng cal 45 na may siyam na bala, isang steel magazine ng carbine rifle na may 13 bala at iba pa. Nasamsam rin ang P 75, 270.00 cash.

Isinailalim na sa kustodya ng Cotabato Provincial Police Office ang alkalde na nahaharap sa   ibat-ibang kaso sa paglabag ng illegal possession of firearms and explosives, anti-illegal drugs at iba pa.

vuukle comment

NARCO MAYOR TIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with