Laklakan niratrat: 1 dedo, 4 sugatan
BULACAN, Philippines – Nabahiran ng dugo ang masayang inuman ng limang kalalakihan kung saan napatay ang isa sa naganap na pamamaril ng apat na kalalakihan sa bisinidad ng basketball court sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang napatay na si Jerome Bukid, 18, habang isinugod naman sa Grace Hospital sina Jeffrey Ancheta, 18; kapatid nitong si Joshua Ancheta, 19; Shannon Aries Xander Pangilinan, 18; at si Kim Bryan Estanislao, 18, mga residente ng Northgate Subdivision sa nasabing bayan. Arestado naman sa follow-up operation ang dalawang suspek na sina Joclyn Monreal, 20; at Aaron Singson, 25, habang tinutugis ang iba pang suspek na sina Sherwin Singson, 38; at Nandy Pascua, 37, mga nakatira sa Sitio Lambakin, Brgy. Sto. Cristo sa nasabing bayan. Ayon kay PO1 Dexter Mabatas, nag-iinuman ang mga biktima sa gilid ng basketball court nang biglang lumapit at ratratin ng mga suspek.
- Latest