^

Police Metro

DOJ prosecutor utas sa tandem

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang maysakit na piskal nang ito ay pagbabarilin ng ri­ding-in-tandem criminals malapit sa Hall of Justice, Brgy. Dahican, Mati City, Davao Oriental  kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinila­lang si Fiscal Rolando Acido, City Prosecutor  na kahit paralisado ang kalahating katawan bunga ng ‘stroke’ ay nagtratrabaho  pa rin ito.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen bandang alas-8:40 ng umaga ay kasalukuyang nagla­lakad patungo sa Mati Hall of Justice nang sumulpot sa lugar ang  mga salarin at agad na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Duguang napalugmok sa insidente habang mabilis namang nagsitakas  ang mga salarin.

Kabilang sa sinisilip ng mga otoridad  na motibo sa krimen ay ang mga hawak nitong kaso ukol sa droga.

vuukle comment

DOJ PROSECUTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with