^

Police Metro

’Tokhang’ sa iskul, opis at pabrika

Joy Cantos - Pang-masa
�Tokhang� sa iskul, opis at pabrika
Sinisiyasat ng SOCO Team ang bangkay ng isang mag-live-in nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Gumamela at Riverside St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Sa ikalawang bahagi ng pinalawak na anti-drug campaign ng Philippine National Police (PNP) na tinawag na Oplan Double Barrel Alpha ay magsasagawa ang mga ito ng  Oplan Tokhang sa mga eskuwelahan, opisina, pabrika at iba pang mga ‘labor force’ sa buong bansa.

“We included schools, workplaces, factories, labor force-we will go these places…we are covering more sectors,” pahayag ni PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Nabatid na sa mga kakatuking eskuwelahan ay planong pasukuin sa batas ang mga estud­yante, guro at iba pang kawani  ng mga kolehiyo, unibersidad, paaralan sa elementarya, high school pribado man o pampubliko  na sangkot sa illegal drug trade.

Ang pagpapalawak pa ng anti-drug campaign  ay sa gitna na rin ng patuloy na pagdami ng mga sumusukong drug perso­nalities  mula sa 600,000 ay tumaas na sa 700,000   kung saan ang target ay 1.8-M bago magtapos ang taon.

Ang Oplan Tokhang na bahagi naman ng istratehiya ng Oplan Double Barrel ay ang pagkatok sa bahay ng mga pinaghihinalaang drug personalities upang kumbinsihin ang mga itong sumuko sa batas.

Sinabi naman  ni PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, umaabot na sa 1,725 drug personalities ang kanilang napapatay habang 31, 629 naman ang sumuko sa kabuuang 32,909 operations simula Hulyo 1 hanggang alas-6:00 ng umaga nitong Oktubre 26 ng taong ito.

vuukle comment

TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with