^

Para Malibang

Natakot sa katarayan ni teacher

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang ako sa pangalang Marco. Ang problema ko po ay tungkol sa sarili ko. Nakaabot po ako ng 2rd yr. high school pero nahihirapan po akong pagdating sa numero at mahirap sa akin ang magtuos ng pera. Noon pong nag-aaral ako ay ang sungit ng teacher ko sa Math. Hindi man lang nag-effort na turuan kami ng maayos. Laging nakasigaw dahil hindi kami makaintindi ng tinuturo niya. Siyempre nahihiya kami at natatakot sa katarayan niya. Ngayon po ay kahit na cashier ay hindi ko magawang mag-apply kasi nga mahina ako sa Math. Nahihiya po kasi ako dahil ang bagal kong magkuwenta sa numbers. Feeling ko ay boba ako. Diyahe po ‘di ba? - Marco

Dear Marco,

Bawat tao ay may kalakasan at kahinaan. Mayroong mahina sa English pero magaling sa Math. May mahinang magsalita ng Inglis pero mahusay sa written. Huwag mong ikahiya kung mahina ka sa Math. Hindi kabobohan kung mahina ka sa subject na ito. Huwag kang masyadong magpokus sa iyong kahinaan. Tiyak may iba ka pang talent na puwedeng magamit sa paghahanap ng trabaho. Marami na ring self-study kahit sa cell phone o murang lesson sa bangketa tungkol Math para mag-aral ka at nang hindi ka nahihiya.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

IDAING MO KAY VANEZZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with