^

Para Malibang

Tourist spot na sementeryo

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Tuwing nalalapit na ang Undas o Araw ng mga Patay, samu’t saring katatakutan na ang naiisip ng maraming Pinoy. Nariyan ang iba’t ibang gimik para manindak ng mga bata o ng kamag-anak. Kabi-kabila na rin ang Holloween party na may kahindik-hindik na tema.

Pero naisip n’yo ba na ang kinatatakutang sementeryo ay “tourist spot” kung ituring sa ibang bansa? Narito ang ilan sa mga sementeryong madalas bisitahin ng mga turista dahil sa maganda nitong view:

Merry Cemetery – Matatagpuan ito sa bansang Romania. Isa ang nasabing sementeryo sa pinakasikat na tourist spot sa Romania. Hindi dahil sa mga sikat na nakalibing dito kundi dahil sa kakaiba nitong disensyo. Bawat grave ay may kakaibang disenyo at ispesyal na verse na nakaukit sa kulay asul semento.

Cimetière du Père Lachaise – Ang semen­teryong ito sinasabing may pinakamaraming bisita taun-taon. Elegante ang disenyo at animo’y pasyalan ang sementeryo dahil sa puno ay daanan nito na may pagkaluma ang dating. Dito rin naka­lagak ang ilang sikat na personalidad.

Okunoin – Ito ang pinakamalaking semen­teryo sa Japan. Parte rin ito ng Unesco Heritage site. Damang-dama ang katahimikan sa lugar na animo’y nasa gitna ng gubat na perfect sa mga bumibisita sa mga patay.

vuukle comment

SEMENTERYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with