^

Punto Mo

Teenager na na-comatose, magaling mag-espanyol nang magising

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG teenager mula Georgia, USA ang nagising mula sa pagkaka-comatose matapos siyang magkaroon ng brain injury ngunit nagulat ang kanyang pamilya nang marinig nila itong magsalita muli.

Sa halip kasi na Ingles ay Espanyol na ang pananalitang ginagamit ni Reuben Nsemoh nang siya ay magising mula sa pagkakacomatose matapos siyang aksidenteng masipa sa ulo habang naglalaro ng football.

Malaki ang pagtataka lalo na ng kanyang pamilya dahil hindi naman marunong ng Espanyol ang kanyang anak.

Iilang kataga lang kasi sa Spanish ang alam ni Reuben bago siya na-comatose kaya hindi nila maintindihan kung bakit biglang naging matatas siya sa nasabing lengguwahe nang siya ay magising.

Kahit ang mga doktor na sumuri kay Reuben ay hindi rin maipaliwanag kung bakit natuto bigla ng Espanyol ang 16-anyos na football player matapos ang tatlong araw na pagkaka-comatose nito.

Habang tumatagal ay unti-unti na rin bumalik sa dati ang kakayahan ni Reuben na mag-Ingles kaya ngayon ay dalawa na ang lengguwaheng kaya niyang bigkasin.

Sa kabila ng lahat ng ito ay himala naman para sa ina ni Reuben ang kanyang paggaling mula sa pagkaka-comatose kaya hindi na mahalaga sa kanya kung anumang lengguwahe ang binibigkas ng kanyang anak.

vuukle comment

ARNEL MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with