^

Punto Mo

DOTr Sec. Tugade, dapat nang magising

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

TILA matagal nang natutulog si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at hanggag sa ngayon ay wala pang maramdamang pagbabago sa mga ahensiyang sakop ng kanyang departamento.

Sa unang araw ng pag-upo ni Tugade, mismong siya ay nangako na magkakaroon ng pagbabago sa DOTr.

Pero hanggang ngayon, wala pang nararndamang pagbabago lalo na sa mga ehensiyang sakop nito tulad sa LTO, LTFRB, MRT, NAIA  at iba pa.

Sa LTO ay inirereklamo pa rin ang kawalan ng plaka ng sasakyan at card sa mga driver’s license samantalang sa LTFRB ay hindi pa rin naisasaayos ang tamang pagbibigay ng prankisa sa mga public transport sector.

At ang pinakarereklamo ng publiko ay ang walang kuwentang serbisyo ng MRT na ngayon ay lalong sumama ang serbisyo.

Kung sa nakaraang administrasyon ay minsan sa isang linggo ay nagkakaroon ng aberya ang biyahe ng MRT pero ngayon ay halos araw- araw na siyang lalong nagpapahirap sa commuters.

Sa kabila na P4 bilyon ang inilaang budget sa pagmamantine ng MRT, wala pa ring pagbabago at sumama pa.

Dapat ay magising na si Tugade at mabilis na kumilos dahil inip na inip na ang publiko sa pangakong pagbabago.

Hindi hinihingi ang biglaan at malawakang pagbabago pero kahit kaunti ay may maramdaman man lang.

Huwag nang hintayin pa ni Tugade ang pag-aapruba ng panukalang emergency powers dahil kaya naman magkaroon ng pagbabago kung gagamitin lang nito ang kasalukuyang kapangyarihan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTR) SECRETARY ARTHUR TUGADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with