^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag gawing basurahan ang mga sementeryo

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag gawing basurahan ang mga sementeryo

TAUN-TAON, trak-trak ng basura ang nakukuha sa mga sementeryo sa Metro Manila tuwing ginugunita ang Araw ng Mga Patay. Sa kabila ng paalala ng mga awtoridad na huwag gawing basurahan ang mga sementeryo, hindi ito sinusunod at lalo pa ngang nag-iiwan ng basura ang mga nagsisidalaw sa kani-kanilang puntod.

Noong Undas 2012 ang sinasabing pinakamara­ming nahakot na basura sa mga sementeryo sa Metro Manila. Ayon sa report, mahigit 100 trak ng basura ang nakuha sa mga sementeryo. Sumunod na taon, 98 trak ang nakolekta. Noong 2014 ay mahigit ding 90 at ganundin ng mga sumunod pang taon. Ngayong Undas 2016 ay maaaring maulit ang trak-trak ng basura kung hindi magkakaroon ng disiplina.

Ayon sa MMDA kabilang sa mga basura na kanilang hinakot ay mga styrofoam tray na nilagyan ng pagkain, plastic na botelya ng tubig, cup ng noodles, coffee sachet, plastic na supot na pinaglagyan ng soft drinks, buko juice, sago at marami pang iba. Ang mga basurang nabanggit ay pawang hindi nabubulok.

Nagiging malaking basurahan ang mga sementeryo hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Kahit pagbawalan na huwag magkakalat ng basura sa sementeryo ay hindi sinusunod. Kahit pa paulit-ulit na ipinaaalala ng mga awtoridad na kanya-kanyang pulot ng basura ang mga dadalaw sa sementeryo, hindi ito maipatupad. Marami pa rin ang basta iniiwan ang kanilang mga basura na karamihan ay plastic. Wala silang pakialam kung makapagdulot ng pagbaha ang iniwang basura.

Ngayong Undas 2016, muling nagpapaalala ang mga awtoridad na maging responsable ang lahat nang dadalaw sa mga sementeryo. Huwag iwanan ang basura sapagkat magiging dahilan ito nang pagbaha. Matuto na ang lahat sa mga nakaraang malaking pagbaha na mapaminsala.

vuukle comment

BASURAHAN ANG MGA SEMENTERYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with